LEMONAIDE

Lemonaide

Patakaran sa Pagkapribado

LEMON_ICON

Patakaran sa Pagkapribado

Abril 2024

Lemon-Aide (Thailand) Company Limited (tutukuying “ang Kompanya,” “kami,” “amin,” "namin"). Kami ay nakatuon sa paggalang sa mga karapatan sa pagkapribado at seguridad ng iyong personal na data at itinatag at ipinatutupad namin ang Patakaran sa Pagkapribado na ito upang ipaalam sa mga gumagamit ng aming website at sa aming mga kustomer kung anong personal na impormasyon ang aming kinokolekta, at paano namin ginagamit, ibinabahagi, at pinoprotektahan ang naturang impormasyon. Ipinapahayag namin ang Patakaran sa Pagkapribado para sa iyong pag-unawa bago kolektahin ang iyong personal na data.

 

Layunin ng Pagkolekta, Paggamit, at Paglalahad ng Personal na Data

Kokolektahin, gagamitin, at ilalahad ng Kompanya ang iyong personal na data sa mga kaukulang partido nang walang limitasyon sa sumusunod na mga layunin:

  • Para sa marketing, promosyon, at advertising.
  • Pagsasagawa pagpaplano, pag-uulat at pag-forecast ng negosyo
  • Pag-manage ng mga account mo at pagpapatakbo at operasyon ng aming negosyo.
  • Pagsunod sa mga legal na obligasyon at mga kahilingan sa pagpapatupad ng batas.

Personal na data na kokolektahin namin mula sa iyo

Kokolektahin ng Kompanya ang sumusunod na mga kategorya ng iyong personal na data nang direkta mula sa iyo, habang binibisita mo ang aming website, lumalapit sa amin, gumagawa ng account sa amin, o umoorder sa amin, kabilang ang anumang impormasyong ibinibigay ng aming mga kasosyo:

Mga personal na detalye: Tulad ng iyong pangalan, email address, numero ng telepono, adres ng pagpapadala, pangalan ng kompanya (kung naaangkop).

Impormasyon sa account: Tulad ng iyong history ng order, wish list, kaarawan, mga kagustuhan, impormasyon sa kalusugan ng katawan, at anumang iba pang impormasyong ibinigay mo sa amin noong kompletuhin mo ang form ng pagpaparehistro, bukod sa mga personal na detalye.

Impormasyon sa log: Tulad ng iyong IP address, geolocation, naakses na mga webpage, impormasyong hiniling kasama ang petsa at oras ng kahilingan, pinagmulan ng akses mo sa aming website (hal. ang website o URL (link) na nagdala sa iyo sa aming website), bersiyon ng browser, operating system.

Impormasyon sa marketing: Tulad ng iyong mga preperensiya sa marketing, antas ng pakikisangkot na natatanggap ng aming mga email, tulad ng mga rate ng paghahatid, mga rate ng pagbubukas at mga rate ng click through sa aming mga email.

Mga komunikasyon mo sa amin: Tulad ng mga tugon sa sarbey, korespondensya, anumang iba pang impormasyong ibinigay mo sa amin.

Impormasyong biswal: Tulad ng mga larawan at video mula sa mga platform ng social media platform at/o direktang ipinadala.

Seguridad sa Pag-iimbak ng Data

Pangangalagaan ng Kompanya ang iyong personal na data sa elektronikong format sa ligtas na server at/o sa anyo ng pisikal na dokumento sa ligtas na filing cabinet, at limitado lamang sa mga kaukulang partido ang pag-akses sa naturang personal na data.

Panahon ng Pagkolekta ng Data

Pananatilihin ng Kompanya ang iyong personal na data hanggang kinakailangan lamang para maserbisyuhan ka namin at para sa lehitimo at mahalagang layunin ng negosyo, tulad ng pagpapanatili ng pagganap ng aming serbisyo, pagtupad sa aming mga legal na obligasyon, at paglutas ng mga tunggalian, at habang kliyente ka ng Kompanya at para sa panahong hinihingi ng kaukulang batas.

Mga departamento na maaaring pagbigyan ng personal na data

Para sa mga layunin ng pagkolekta, paggamit, at paglalahad ng iyong personal na data sa itaas, maaaring ibahagi ng Kompanya ang iyong personal na data sa aming mga kasosyong kompanya, kabilang ang mga panlabas na ahensiya tulad ng mga provider ng serbisyo sa pagbabayad, mga mananaliksik sa akademya, mga awditor, mga tagapayo, mga institusyong pinansiyal, mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas at proteksiyon ng data, mga organisasyong pampamahalaan, atbp.

 

Mga Karapatan ng May-ari ng Personal na Data

Mga karapatan sa ilalim ng Patakaran sa Pagkapribado, kabilang ang karapatang bawiin ang iyong pahintulot, ang karapatang maakses ang at makakuha ng kopya ng personal na data, ang karapatang humiling na iwasto ang hindi wastong personal na data, ang karapatang tanggalin ang personal na data, ang karapatang limitahan ang paggamit ng personal na data, ang karapatang ipadala o ilipat ang personal na data, at ang karapatang magreklamo. Maaari kang magsumite ng form ng kahilingan para sa mga nabanggit na karapatan sa pamamagitan ng pagsumite ng form ng kahilingan o pakikipag-ugnayan sa aming kompanya, telepono, o sa pamamagitan ng email. Gayunpaman, sakaling itatakda ng batas na maaari itong gawin ng Kompanya, karapatan ng Kumpanya na ikonsidera at hindi magpatuloy sa nabanggit na kahilingan o iyong kahingian.

Data Controller

Salamat sa pagbabasa ng aming Patakaran sa Pagkapribado. Kung may mga anumang mga tanong ka tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, makipag-ugnayan sa amin sa sumusunod na address:

Lemon-Aide (Thailand) Company Limited (Punong Tanggapan)

Address:                 SKYY9 CENTRE building 10th floor 554 Asoke-Din Daeng sub-district, Din Daeng district, Bangkok 10400, Thailand.

Phone number:      +662 002 1234

Website:                  https://lemonaide.ph/

Tandaan na maaaring baguhin ng Kompanya ang Patakaran sa Pagkapribado sa itaas anumang oras bilang pagtupad sa mga batas o regulasyon na maaaring maamiyendahan sa hinaharap.

Kaya tiyaking nabasa at naintindihan mo nang mabuti ang Patakaran sa Pagkapribado sa itaas.